![]() |
TALAKAYIN NATIN ANG KAGANDAHAN NG CEBU CITY
Ang Cebu ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Visayas. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Cebu. Isang mahabang mapayat na pulo ang Cebu na may habang 225 kilometro (140 milya) mula sa hilaga hanggang timog, at napapalibutan ng 167 na kalapit na maliliit na mga pulo, na kinabibilangan ngPulo ng Mactan, Pulo ng Bantayan, Pulo ng Malapascua, Pulo ng Olango, at ang mga Pulo ng Camotes. Sa daan-daang mga pulo nito, ang iba dito ay hindi tinitirhan na naging dahilan upang maging tanyag ang mga ito sa mga turista.
Kilala ang Cebu dahil sa mga pook nito na may katangian ng isang pulong tropikal gaya ng mga talampas, mga malalawak na dalampasigan. Karamihan din sa Cebu ay maburol, at mabundok hanggang patungo sa hilaga, at patimog ng pulo. Ang pinakamataas na pook sa Cebu ay umaabot sa 1,000 metro. Matatagpuan ang mga kapatagan sa lungsod Bogo at sa mga bayan San Remigio, Medellin, at Daanbantayan, at sa hilagang rehiyon ng lalawigan.
Ang Lungsod ng Cebu ang kabiserang lungsod, ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas, na bahagi ng Kalakhang Cebu kasama ang anim na iba pang mga lungsod ng Lungsod ng Carcar, Lungsod ng Danao, Lungsod ng Lapu-Lapu, Lungsod ng Mandaue, Bogo, at Lungsod ng Talisay, at anim pang mga bayan.
Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang sentro ng kalakalan, komersyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas. Maraming mga otel, casino, mga beaches, at iba pang pook pasyalan ang matatagpuan sa lalawigan.
PARAISO NG CEBU CITY !
Inperial Palace ito ay kabilang sa pinagmamalaki ng CEBU CITY, bukod pa rito ang Imperials Palace ay pang Word Class, napakaganda sa lugar na ito kung iyong mararating at malilibot, hindi ka lang magagalak kundi mapapa- WOW ! Ka pa sa ganda ng Imperials Palace na to, sa pangalan palang mapapa-isip kana. Ano kaya itong Imperials Palace na ito ? Baka nga siguro ang Palasyong ito ay Maganda at Magarbo kung ito'y mararating.
Water Font Hotel ginawa ang hotel na ito para sa mga turismong gusto mag-palipas ng gabi kung saka-sakali, ngunit hindi lang ito itinayo para sa mga Turista. Itinayo rin ito para sa ating mga Pilipino, maraming nagsasabi na ang Water Font Hotel ay isang magarbong Hotel, kung titingnan mo nga naman sa Larawan masasabi mo nga na Maganda't Magarbo ang Hotel na ito karaniwan nga na makikita rito ay ang mga Turista dahil nang sa paglilibot ng mga Turista dito sa CEBU, pagkatapos ay puwede silang mag rent ng room rito sa Water Font Hotel para mag-palipas ng gabi maraming silid ang Water Font Hotel. Hindi ko na kailangan pang isa-isahin at marami rin rito na pasilyo.
Kawasan Falls ito ang pinagmamalaking Falls ng CEBU City, dahil sa kagandahan tinatagalay ng falls na ito, nakaka-pawi ng pagod ang falls na ito dahil sa mahalimuyak na hamog ng Tubig rito at malaya kang Huminga ng malalim dahil napapalibutan ito nang halaman, puno, bulaklak, atbp.
Forte de Versailles Beach kabilang ang Beach na ito sa Tanyag at Ipinagmamalaki ng CEBU CIty at mga CEBUANOS/CEBUANAS. Kung titingnan nga naman sa Larawan masasabi mong Napaka-ganda ng Beach na ito, paano pa kaya kung mararating mo ang Beach na ito at mararanasan mong Lumangoy at Mag-tampisaw sa Tubig ? Ano kaya ang dulot sa kalusugan ng Beach na ito ?
Masasabi mong napakagandang tulong nito saaten napapaganda nito ang buong CEBU City, hindi lang kundi pati na rin ang Bansang Pilipinas kung iyong isasaliksik Kabilang ito sa 7 WONDERS OF THE WORLD.
Magellan's Cross Ang Magellan’s Cross ay ang pinakatampok sa mga makasaysayang pook sa Lungsod Cebuna Sugbu pa ang katawagan noong dumating ang grupo ng manunuklas at nabigador na Portuges na si Fernao Magalhaes (Fernando Magallanes sa Kastila) o higit na kilala bilang si Ferdinand Magellan. Isang maliit na nayon ng mga mangingisda lamang ang Cebu ng panahong iyon. Noong Abril 21, 1521 ay nagpabinyag ang bagong kaibigan ni Magellan na si Rajah Humabon, ang kanyang asawa at higit sa 300 na mandirigma ng Rajah kay Padre Pedro Valderama.
Pinagmulan ng Krus ni Magallanes Bilang tagapagpagunita ng pangyayaring ito at upang ipagdiwang ang pagtanggap at pagpapalaganap ng Katolisismo ay nagtirik ng isang krus na kahoy si Magellan sa dako kung saan makikita ngayon ang isang krus na sinasabing kopya na lamang ng orihinal na krus ni Magellan. Ayon sa nakasulat sa lapida sa bandang ibaba ng krus, nakapaloob sa krus na ito na gawa sa tindalo ang tunay na krus.
Ang Loob ng Kapilya ng Krus ni Magallanes dating bukas na dambana ang krus subali’t noong unti-unti nang tinatapyas ng mga deboto ang krus upang makapag-uwi ng relikyang pinaniniwalaang nakapagpapagaling ng karamdaman o upang gawing alaala, ay itinago na ito at nagpatayo ang pamahalaan ng kapilyang gawa sa adobe, kahoy at pulang tisa sa paligid nito. May nagsasabing ang orihinal na krus ni Magellan ay matagal nang nawasak at pinalitan na lamang ito ng mga kastilang dumating pagkatapos ni Magellan na napatay ng pinuno ng tribo na si Lapu-Lapu sa labanan sa Mactan, na isang pook din sa Cebu. Sa loob ng kapilya ay may nakapintang mga eksena sa kisame. Matutunghayan ang eksena ng pagdaong ng barko ni Magellan sa Cebu, ang unang pagdaraos ng Banal na Misa, at ang pagtitirik ng orihinal na krus sa dalampasigan.
Bukas sa lahat at walang bayad ang pagpasok sa kapilya nguni’t kung malaki ang grupo na nais bumisita sa krus ay kailangang pagpangkat-pangkatin ang mga kasama nito dahil na rin sa liit ng kapilya. Makakapanalangin sa kapilya at makapagsisindi ng kandila na binili sa kaunting barya mula sa nagtitinda malapit sa kapilya. Sa lapidang nasa may pintuan ng kapilya ay naisatitik ang kasaysayan ng Krus ni Magallanes at ang kahalagahan nito sa mga Cebuano. Dantaon nang pinagpipitaganan ang krus ng mga deboto sa lahat ng antas ng lipunan.
ESPESYAL NA PUTAHE NG CEBU CITY !
LECHON, MANGGA, CHICHARON, ATBP. Ito ang mga espesyal na putahe ng mga CEBUANOS/CEBUANAS sa CEBU CITY. Lechon karaniwan nito ay ginagawan ng bagong eksperimento sa pagluluto hinahalo rin ito para sa ibang sangkap at ginagawan ng bagong putahe, meron din itong LECHON FESTIVAL. Mangga paboritong prutas at tinatangkilik ng mga CEBUANOS/CEBUANAS sa CEBU CITY. Chicharon, karaniwang inihahalo nila ito bilang sahog sa kanilang lulotuin putahe.
TANYAG NA FESTIVAL SA CEBU CITY !
Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang Sinulog ay sinasayaw na ng mga Filipino sa Cebu sa kanilang pagbibigay-bunyi sa kanilang mga anito. Noong dumatingFerdinand Magellan sa Cebu noong 1521, si Rajah Humabon, kasama ang kaniyang asawa na si Amihan gayun din ang mga 800 mga katutubo ang ninais na mabinyagan bilang Katoliko. Ibinigay ni Magellan ang imahen ni Santo Niño sa asawa ni Rajah Humabon at pinangalanang Juana. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang nagpakilala kay Santo Niño sa mga taga-Cebu kundi ito din ay naging isang napakahalagang karanasan: ang representasyon ni Reyna Juana, hawak ang imahen ni Santo Niño na binabasbasan ang kanilang mga tauhan upang mailayo sila sa sakit at masamang espiritu at maging importanteng bahagi ng sayaw ng Sinulog.
Noong dumating si Miguel Lopez de Legazpi at ang kaniyang mga tauhan sa Cebu noong 1565, isa sa mga sundalo ang nakatuklas ng isang kahon na may imahen ni Santo Niño. Ito ay napapaligiran ng bulaklak at mga pigurin ng mga anito. Ayon sa mga mananalaysay, ang mga pagbabago, mula sa pagsayaw ng Sinulog, sa pagsamba sa mga anito hanggang sa pagbubunyi kay Santo Niño ay naganap sa loob ng 44 na taon sa pagitan ng pagdating ni Magellan at Legazpi.
Idineklara ng Augustinian order na ang naturang imahen ay milagroso at itinatag nila ang simbahan kung saan ito nadiskubre. Ipinangalan ito na San Agustin Church hanggang pinalitan ito sa Basilica Minore del Santo Niño.
Ang debosyon sa Santo Niño ay tumagal at sumulong sa kultura ng Pilipinas sa pagdaan ng mga siglo lalo na sa rehiyon ng Visayas. Ang mga pilgrimo ay naglalakbay taon-taon sa Basilica upang makilahok sa prusisyon at sa kapistahan. Noong 1980, ang lokal na pamahalaan ng Cebu ay nangasiwa sa pagsasaayos ng Sinulog festival. Ang direktor noon ng Ministry of Sports and Youth Development na si David S. Odilao, Jr., ay nagtatag ng grupo ng mga estudyante at tinuruan sila ng sayaw ng Sinulog kasabay sa tiyempo ng tambol at pinagsuot ngmoro-moro costumes upang makilahok sa pinakaunang parada ng Sinulog. Sa tagumpay ng pinakaunang kapistahan, ang event na ito ay isinagawa kada-taon.
Ang iba pang bersyon ng Sinulog ay makikita sa iba't-ibnag parte ng Cebu. Dahil sa commercialization ng pistang ito, ang Cebu ay ang nangungunang destinasyon ng mga turista tuwing buwan ng Enero sa Pilipinas.
GROUP 2 - VII-MAPAGMAHAL
FILIPINO - BB. FLOTILDES
FILIPINO - BB. FLOTILDES